medyo kakaiba din itong si GMA. paranoid. parang di magkamayaw kung saan magsisimulang linisin ang pangalan niya.
napansin ko lang kamakailan na may mga MRT cards pala na kalahati na lang. Gumagana pa naman, hindi nga lang buo. Ang rason: naisipan 'ata ng administrasyon na kelangang pugutin ang ulo ni erap. hindi man nila kayang gawin sa totoong buhay nang hindi lumalabag sa batas eh kahit sa MRT card man lang eh maisagawa nila ito. At yun nga ang resulta, mga putol na mrt cards. kanino kayang magaling na ideya ito? saang mahalagang meeting kaya ito na-formulate? sabi siguro ng isa: unti-unti kaya nating tanggalin sa kamalayan ng mga tao si erap, malamang babango uli ang pangalan ni GMA at baka tumaas uli ang ratings niya sa SWS survey. tama! habang naalaala ng mga tao si erap, maalala nila na maari nga palang magpatalsik ng presidente basta't hindi mo na nagugustuhan ang palakad niya. ginawa na yun kay marcos (pero medyo limot na siya ng henerasyon ngayon, so OK lang, dedma na tayo kay marcos), ilang beses ding ginawa iyon noong panahon ni erap, ano ang pipigil sa kanila na gawin yun kay GMA? eh siya pa nga yung pasimuno dati di ba? teka, saan pa ba parating nakikita ang mukha ni erap? ah! sa mrt cards.. kaya lang masyadong magastos pag nagpalit tayo at hindi na paganahin ang mga lumang cards, marami din yun, sa halip na *a-hem* gumastos, kelangang magamit natin ang budget para sa mas *a-hem* mahahalagang bagay... hmmm sige .. tawagin ang nagpapalakad ng MRT.
at ganun na nga.. siguro isang gabi may isang pobreng empleyadong pinag-overtime para mag-gupit hanggang umaga.
anlabo....